|
Ang gastos pala ng course ko.
MAy requirement kasi kami sa isang major ko sa marketing 4- services marketing. Pumunta kami sa low end at high end na restaurant.Mag dedemand kami, magcocomplain at kung pwede gagawa kami ng kakaibang exena. Tapos yung pinuntahan namin sa lot’s a Pizza, Pizza Hut, Good Taste at rose Bowl. Sa Pizza hut at sa murang lot’sa Pizza Tinagalan namin ang pamimili ng order, naging 20 minutes ata silang naghintay. Ginawa naming ten lang ang cut ng pizza, humingi kami ng sandamakmak na hot sauce at catsup. Tapos nagdemand kami ng service water kahit hindi pa kaminagoorder at agad-agad pinagpicture namin sila sa amin. Yon nga lang masyado silang mababit, pareho naman silang pasensyoso, Yong pinagkaiba nga lang yong sa lot’s a pizza hindi kami binigyan ng water kasi wala daw. tapos sa Pizza hut naman hindi kami binigyan ng naka sachet na hotsauce kasi may charge daw. Tapos sa Good Taste at Rose Bowl naman. Kakaiba talaga ang service. Parehong masrap ang pagkain mura sa Good Taste, Kamahal naman sa Rose Bowl. Ayon nga lang Ibang iba talaga ang trato nila sa’yo sa Rose Bowl. Talagang Walang wala kang masasbi sa service nila compare mo sa Good Taste na masusungit ang mga crew. Kinuhanan pa kami ng Taxi. Lahat ng pinapakuha namin binibigay. Kaya kahit gusto mong magsungit hindi talaga magagwa kasi mabait sila. |
ABOUT
Karlo ang aking pangalan. July 2 ang aking kaarawan![]() 17 taong gulang. Isang marketista. Proud Louisian. Minsan mahiyain pero kadalasan ay makapal ang mukha. Future Professional Marketing Director. Follow mo ako dahil gusto kitang maging kaibigan. Tweets
Follow iamkarlodee on Twitter |